Ginawa ko ang artikulong ito para sa mga estudyante ko noon sa Special Filipino ng 1st Year High School, o para sa mga galing sa ibang bansa na humahabol sa programa ng Filipino. Puwedeng pambungad sa kuneksyon ng wika at kultura/kasaysayan.
HALU-HALONG SALITA
Paolo Ven B. Paculan 2012
PRE-READING NOTES:
This article answers a question which is very relevant to a nation still searching for its identity: what/who can you consider truly Filipino? It does this using an analogy which is almost just a well-chosen microcosmic example.
Keep these questions in your mind while reading::
1. What is the Filipino language compared with?
2. What words are given as examples? Why are some italicized and others not?
3. What can we conclude because of this concrete example/comparison?
To help you unlock the meaning of this short essay, do the following tried-and-tested method:
1. Sit beside someone knowledgeable in Filipino and write down the meanings of all the words you don’t know yet.
2. Underline key words, phrases, and sentences, especially those that answer the guide questions given.
3. Beside every paragraph, write down a word or phrase that summarizes its meaning and place in the composition.
4. In the margins write down your own thoughts: relate what is said to what you already know, draw emoticons, put “!” on things that surprise you, “?” on things which are confusing. Respond to the text with your pen.
5. If you can, order some halu-halo and experience the article first-hand.
Ok. Ready? Todo bigay!
|
1 Makinig ka ng balita sa telebisyon at maririnig mo rito ang mga salitang ‘kurapsyon’, ‘intriga’, ‘sumite’, ‘PCOS machines’ at ‘election returns’. Kung mamamasahe ka, sasakay ka ng ‘traysikel’, ‘taxi’, ‘dyip’ o ‘bus’ dala ang iyong ‘bag’ at magbabayad ka ng ‘siyete’ kung malapit lang. Hindi tuloy nakapagtatakang litung-lito pa rin ang mga Pilipino at hanggang ngayo’y nagtatanong “Ano ang ba talaga ang Filipino?” at “Paano ba malalaman kung Filipino nga ang isang salita?”
2 Para masagot ito, tikman mo ang halu-halo. (Paborito mo rin ba ‘yon?)
3 May mga sangkap ang halu-halo na kinakain na natin bago pa dumating ang mga Kastila. Ano ang mga ito? Saging. Makapuno. Kaong. Langka. Ube. Munggo. Sago. Pinipig. Gatas. Dahil katutubo sa atin, katutubo ang salita para sa mga ito. Salitang Tagalog ang lahat ng mga iyan at may katumbas sa iba pang wikang katutubo.
4 Ngunit may mga sangkap din ang halu-halo na pumasok lang sa Pilipinas kasabay ng mga Kastila. Halimbawa, dala ng Kastila ang ‘hielo’ na ngayo’y ‘yelo’ na. Hindi naman nagbago ang tawag sa ‘garbanzos’. Hindi ko matiyak kung may ‘nata de coco’ na bago dumating ang mga Kastila dahil bagaman katutubo sa atin ang niyog, wala akong makitang salitang katutubo para sa nasabing sangkap.
5 Ano ang ambag ng Amerika sa halu-halo? ‘Ice cream’. Hindi rin ito katutubo sa Amerika; may mga kumakain na raw ng de-yelong panghimagas sa Tsina noong 2000 B.C.! Ngunit dahil mga Amerikano ang nagdala sa atin, Ingles ang pangalan natin para sa sangkap na ito.
6 Mayroon din namang mga sangkap na katutubo sa atin ngunit nagbagu-bago ang pangalan. Ang ‘beans’ sa Inggles, ay ‘priholes’ sa Kastila, at ‘balatungun’ sa mga Waray. Ang ‘sugar’ sa Inggles ay ‘azúcar’ sa Kastila ay ‘masamit’ sa Pangasinan at ‘gola’ sa Maranaw. Ang ‘cream-style corn’ sa Inggles ay ‘maíz’ ng Kastila at matagal nang ‘mangi’ sa Ibanag.
7 Ganito ang wika natin. Makikita sa katangian ng halu-halo ang katangian ng ating wika. At dito rin natin mahahango ang batayan sa pagpili ng Filipinong salita.
8 Una, kagaya ng mga sangkap ng halu-halo, mas marami pa rin tayong katutubong salita. At hangga’t maaari, ito sana ang gamitin natin. Kung mamimili ka kung gagamitin mo ang salitang ‘banana’, o ‘platino’, o ‘saging’, piliin mo ang ‘saging’.
9 Pangalawa, mapapansing kapag nag-import ka ng anuman, nai-import mo rin ang pangalan nito. Sa mga kasong ganito, gamitin ang porma ng salitang pinakamaiintindihan ng nakararaming Pilipino. Halimbawa, huwag mo nang gamitin ang ‘azucar’ dahil ang alam ng karamihan ay ‘asukal’. Kung sa ‘ice cream’, ‘ayskrim’, o ‘sorbetes’ naman, alin sa tingin mo ang dapat gamitin?
10 Sa huli ay bumalik tayo sa simula ng wika. Kaya may salita ay para magkaintindihan tayo. Ang mahalaga ay marami kang baong bokabularyo para kahit sino ang kaharap mo, may maibabahagi ka. Gets?
MGA SANGGUNIAN:
UP-Sentro ng Wikang Filipino. 2010. UP Diksiyonaryong Filipino, Ikalawang Edisyon. Quezon City: University of the Philippines Press and Anvil Publishing.
http://www.thenibble.com/reviews/main/desserts/the-history-of-ice-cream.asp. Accessed: 06 August 2012.
No comments:
Post a Comment