tungkol sa nagsusulat

Guro ng Filipino. Adik sa pagsasaliksik. Di raw nakakausap kapag naggigitara. Naniniwala sa mahika at grasya dahil sa mga nangyayari sa kaniyang klase at kusina.

Tuesday, November 12, 2013

TALASALITAAN para sa IMPENG NEGRO ni Rogelio Sikat




Heto ang ilan sa pinakamahihirap na salita
sa klasikong kuwento ni Rogelio Sikat.
Mag-iwan ng puna/komento kung may gusto kang ipadagdag.
--serPAO


http://images.tribe.net/tribe/upload/photo/1cd/d7a/1cdd7a58-c2a2-4abe-8535-20f4a48d08fc

bantulót=nag-aalangan, urong-sulong

batalán=likod-bahay na gawa sa kawayan na paliguan o hugasan
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/dictionary/picture/batalan_tagdict.jpg

biyás=limbs

ginagád=ginaya

gíray=malapit nang matumba o magiba, sira-sira

gris=gray

humahágok=malakas na hilik

isinawák=pabagsak na inilubog sa tubig

kinatátalungkuán (talungko)
 Small african boy squatting

kumikiníg=nanginginig

langkáy=kumpol, maliit na grupo

makagítaw=paglitaw mula sa dilim o matagal na pagkawala

makikipagbabág=away na may suntukan at sakitan

medya-agwa=nakahilig na silungan; awning
 File:Sari-sari Store.JPG

naglalátang=naglalagablab, umaapoy

nakahantád=kitang-kita, lantad

namamaliróng=namamaga

nangangalírang (kalírang)=labis na pagkatuyo

pag-aagwador=pag-iigib ng tubig para sa iba, water boy

pagkakakáwit=hook

pahalípaw=ikinakalat nang manipis sa isang rabáw o surface

papalúka=palooka: boksingerong hindi-magaling
                  Joe Palooka: boksingerong tauhan sa komiks na nagtatanggol sa mga inaapi

sinípat=tiningnan nang sinusuri ang isang bagay

tinutóp=natatakpan ng kamay

tiránte=istrap, strap

Sanggunian:

Almario, Virgilio, punong editor. 2009. UP Diksiyonaryong Filipino: Binagong Edisyon. Quezon City: UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.

Silverio, Julio. 1980. Binagong Diksiyunaryong Pilipino-Pilipino. Mandaluyong: National Book Store, Inc.


4 comments: