tungkol sa nagsusulat

Guro ng Filipino. Adik sa pagsasaliksik. Di raw nakakausap kapag naggigitara. Naniniwala sa mahika at grasya dahil sa mga nangyayari sa kaniyang klase at kusina.

Thursday, November 21, 2013

PAMBANSANG AWIT -- bersyon ng estudyante

Noong 2011, nagbigay kami ng diyagnostikong pagsusulit sa 359 na estudyante sa Unang Taon.

Sinakop nito ang 4 na aspekto:
  • talasalitaan o bokabularyo,
  • paglalapi,
  • pagbabaybay o ispeling, at
  • pagsasaulo sa klasikong akda.
Para sa klasikong akda, pinili kong gamitin ang pinakamatinding halimbawa--Ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Ang uri ng pagsusulit--punan ang patlang.

Gaano talaga kasaulado ng mga estudyante
ang araw-araw nilang kinakantang
simbulo ng ating malayang bayan?

Kung pagsama-samahin ang pinakamalulupit na sagot,
heto ang resulta:




Bayang magiliw, perlas ng Sinilangan, alab ng puso, sa dibdib mo’y bughaw. Lupang hinirang, duyan ka ng magitiw. Sa manlulupig, di ka pasisiil. Sa dagat at bundok, sa simula, sa langit mong bughaw, may dila ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning. Ang buwan at araw niya kailan na may di magdidilim. Lupa ng araw ng walhati’t pagsinta, buhay ay lagi sa piling mo. Aming ligaya nampag may mang-aapi, ang mamatay nang dahil sa’yo!
mula sa Diyagnostikong Pagsusulit ng Kakayahan at Kaalaman sa Talasalitaan, Paglalapi, Pagbabaybay, at Klasikong Akdang Filipino ng mga Estudyante sa Unang Taon ng Mataas na Paaralang Ateneo de Manila Taong-aralang 2011-2012 (PACULAN 2012)
59% ang karaniwang marka (average) ng mga estudyante
sa bahaging ito ng pagsusulit. 41% ang mali nila!

Noong isang taon pa iyon. Ngayon kaya?
Sa ibang paaralan kaya?
Katanggap-tanggap ba kung may kahit 1% lang ng estudyante ang nagkamali?
Katanggap-tanggap ba na may kahit 1 estudyanteng nagkamali
sa kahit 1 salita lang?

Sana naiparinig ko na lang muna ito,
baka mas naintindihan muna nila:

How Lupang Hinirang ought to be sung: Joey Ayala at TEDxDiliman 

No comments:

Post a Comment