tungkol sa nagsusulat

Guro ng Filipino. Adik sa pagsasaliksik. Di raw nakakausap kapag naggigitara. Naniniwala sa mahika at grasya dahil sa mga nangyayari sa kaniyang klase at kusina.

Wednesday, November 13, 2013

WALANG SALITA: Paggamit ng Filipino para ipaliwanag ang bagyo

Walang salita para sa nararamdaman natin
tungkol sa nangyari sa mga kapatid natin sa Tacloban.


Image Credit REUTERS/Erik De Castro. From http://feww.wordpress.com/

Pero mayroon salita para sa nangyari. Ang problema, hindi maintindihan ang mga ito!

Isang araw bago tumama ang bagyo, sinasabi nang:
"Residents in low lying and mountainous areas under signal nos. 3, 2 and 1 are alerted against possible flash floods and landslides. Likewise, those living in coastal areas under signal nos. 3 and 2 are alerted against storm surges, with wave height reaching up to 7 meters." 
http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/11/07/13/storm-signals-raised-42-areas-due-yolanda

Pero bakit hindi naisip ng mga tao ang mangyayari? Bakit hindi sila tumakbo? Bakit kinailangan pa silang mamatay?

Madaling intindihin ang "flash flood". Mabilis na pagbaha.

Madali rin ang "landslide". Lupang dumudulas pababa.

Pero ano ang "storm surge"?

Ang naisip ko: Storm surge. 7 metro. Aba'y napakataas na alon noon!

Pero alam ko na ngayong mali ako. Dahil hindi alon ang naranasan ng Tacloban.
Pinuntahan sila ng dagat!

 
http://www.nhc.noaa.gov/surge/

Sabi ng mga tao hindi pa sila nakakikita/nakararanas ng ganoon.
Kaya hindi naiwasan.

Mali!

May mga taong nakaranas na ng ganoon.
May mga taong nakaaalam kung ano ang mangyayari.
At sinabi nila: magkakaroon ng storm surge.
Na tama naman. Ito talaga ang tawag sa nangyari.
PERO HINDI NAINTINDIHAN NG LIBU-LIBONG TAO
AT ANG KAPALIT--BUHAY NILA!

Sabi ni Ted Failon sa isang ulat,
dahil naroon siya nang mangyari:
"...hindi nila inaasahan lahat.
Kaya nga uulitin ko,
sa ngayon po bilang mamamahayag,
ang definition ko ng storm surge,palagay ko po hindi dapat ini-Ingles ngayon, (akin ang pagdidiin)
dapat kapag binanggit po ng PAGASA,
kapag binanggit po ng ating weather forecast,dapat ang storm surge ay i-identify natin na:
ito po ay hindi lang po alon
ito po ay dagat na magpupunta sa inyo."

(http://www.youtube.com/watch?v=fxfXUjdphK8 10:30-10:55)


Kung gayon, paano ito dapat sabihin?

Ito ang dahilan kung bakit dapat pag-aralang mabuti ang pagpapahayag sa Filipino.
Para kapag balang araw ikaw na ang magsasabi ng alam mo,
maiintindihan ka.
At kikilos sila kung dapat kumilos.

Kung ikaw ang tatanungin paano mo sasabihin?

Para mailigtas natin ang mga mahal natin sa buhay.


http://globalnation.inquirer.net/89943/us-great-britain-cite-filipinos-resilience-in-the-wake-of-typhoon-yolanda/yolanda-typhoon-filipinos1


No comments:

Post a Comment