Bata pa lang ako, sinasabi ko na ang mga salita:
"Aba ginoong Maria..."
Tapos nagtaka siguro ako sandali.
TANONG:
Bakit 'ginoo' si Mama Mary? Hindi ba panlalaki ang salitang iyon?
Kamakailan ko lang inalam ang...
SAGOT:
Sa Vocabulario de la lengua tagala (de noceda at de sanlucar 1860) ang 'ginoo' ay isinalin sa Español bilang 'principal señora'.
Señora=lady=babaeng mataas ang antas sa lipunan, babaeng amo, babaeng mabini
Principal=pangunahin, nangunguna, pinakamatindi
Sa tuwing tinatawag natin siyang 'ginoo', sinasabi pala natin kay Maria na hangang-hanga tayo sa kaniya at na susundin natin ang mga utos niya!
Ang Nuestra Senora de Penafrancia, patron ng Bicol
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Pe%C3%B1afrancia_Original_Image.jpg
No comments:
Post a Comment