TANONG:
SAGOT:
Pasensya na po hindi ako sang-ayon na isang pantig lang ito. Ang batayan po ng pagpapantig ay tunog pa rin. At dahil dalawang pantig po ang naririnig natin, dalawang pantig ito.
Dagdag pa rito hindi makikita ang salitang 'mga' sa Vocabulario de la lengua tagala (de Noceda at de Sanlucar 1860). Ngunit naroon ang salitang 'manga' na ang depinisyon ay 'particula de plural' o 'plural particle' sa Ingles.
Ang maaari lang nating maging kongklusyon ay, dahil gamit na gamit ito sa ating pagsusulat, pinaikli na ito. (Katulad nito ang pananaw ni G. Ron Capinding sa kanyang Ikaw at ang Kawili-wiling Wika). Sa ganitong paraan, katulad ito ng 'subalit' na galing sa 'subali at' at ng 'bakit' na nanggaling sa 'bakin at'.
Kaya naman ang depinisyon ng 'mga' sa UP Diksiyonaryo ay 'makabagong anyo ng "manga"'. Malinaw rin sa pagpapantig sa diksiyonaryong ito na binubuo ito ng dalawang pantig. (ma-ngá)
Mabuhay ang mahiwagang wikang Filipino!
http://www.mts.net/~pmorrow/bayeng1.htm
Isa lang po talaga ang pantig ng MGA
ReplyDeleteSa pagpapantig, gumagamit tayo ng hypen
Halimbawa;
Pag-pa-pan-tig
At kapag tinry natin ito sa MGA, ang kalalabasan nito ay iisang pantig lang
Sana po malinawan kayo
Salamat po sa paglilinaw.
DeleteAng tanong ko lang po: bakit kaya hindi mmm-ga ang bigkas natin sa salitang binabaybay bilang m,g,a?
At bakit kaya po sa mga lumang lathalain ay ‘manga’ ang baybay ng salitang ito? Katulad nitong berso mula sa lumang bersyon ng Ibong Adarna:
Para-parang nag-aaral
ang manga anác na mahal,
malaqui ang catouaan
nang hari nilang magulang.
https://www.gutenberg.org/files/16157/16157-h/16157-h.htm
Hindi kaya pinaikling baybay lamang ang ‘mga’ ng pinagmulan nitong ‘manga’ (ma-nga) na ginamit ng mga tao para dumali ang buhay nila gayong napakadalas gamitin ng salitang ito?
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteBakit ka ya Hindi nlng "Ma nga😂
ReplyDeleteNaguguluhan ako kung ano nga ba ang talagang tunay na pag pantig ng salitang "mga" subalit mas naniniwala ako na 2 nga ang pag pantig ng salitang ito.😊
ReplyDeleteAng 'siya' po isang pantig lang?
ReplyDeletedalawang pantig po, ang pinagbabasehan ng pantig ay ang tunog kaya si-ya ay dalawang pantig
Deletedalawa po.si-ya
DeleteDepende kapag pinaikli, "s'ya", isang pantig. "si-ya", dalawa. :)
Deleteilang pantig po ang dugo't pawis?
ReplyDeleteAng alam ko ay apat
DeleteIlang pantig po ang IKAW
ReplyDelete2 Po i-kaw
Deletekung isang pantig ang mga paano natin ito hahatiin kapag my sukat ang tulang ginawa?
ReplyDeleteAng MGA ay isang pantig lang.maliwanag na ang orihinal nito ay MANGA..subalit pinaiksi na lamang ito sa kasalukuyan at ginawang MGA..kaya sa orihinal ay dalawang pantig..pero sa ngayon ito na ay isang pantig.parang SIYA..Tapos ginawang sya..hindi pwede mag-isa lang ang /m/sa isang pantig at ang /ga/ay di pwede bigkasing /nga/.
ReplyDeletesana po nakatulong.
-NEU
researc more sa part mo. Plsss
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete