tungkol sa nagsusulat

Guro ng Filipino. Adik sa pagsasaliksik. Di raw nakakausap kapag naggigitara. Naniniwala sa mahika at grasya dahil sa mga nangyayari sa kaniyang klase at kusina.

Friday, November 1, 2013

Lindol

chocolate hills bohol before

Nakapunta ako ng Bohol noong 2006.

Bukod sa mga Tsokolateng Burol at sa malmag (tarsier), pinakanamangha ako sa mga simbahan nila roon.

bohol church interior

Sa Maynila bilib na bilib tayo sa  pintadong kisame. Karaniwan lang iyon doon.
Sa Maynila dinadayo talaga ang simbahan dahil may organong kawayan (bamboo organ). Doon linggo-linggo itong sumasaliw sa awit ng mga korong katulad ng Loboc Children's Choir.

virgen de guadalupe de loboc

Isa sa pinakanaalala ko ang simbahang may Birheng Maria na hindi pumapayag na mabasa ng tubig ang kaniyang paa sa tuwing aapaw ang Ilog Loboc.

Kaya nagluksa ako nang makilala ko ang mga nakalarawan sa diyaryo nitong nakaraang lindol.

image
http://newsinfo.inquirer.net/files/2013/10/LobocChurch.jpg

Eksaktong anggulo ng kuha ko dati.
loboc church before
Nagpaiwan pa ako para kunan ang toreng ito.

loboc bell tower before
Ito na siya ngayon.
image
http://historicphilippines.com/2013/10/16/more-on-the-bohol-quake-the-day-after/

Sabi ko sa mga anak ko siguradong dadalhin ko sila sa Bohol. Para magkatotoo na lahat ng ikinuwento ko sa kanila.

Pero ito na lang ang masisilip nila sa una kong letratong ipinakita.

image
http://philnews.ph/2013/10/17/chocolate-hills-destroyed-by-7-2-magnitude-earthquake/

Sayang hindi namin inabutang nakatayo pa ang mga simbahan! Hindi na nila makikita ang perpektong kabilugan ng mga tumpok na tsokolate.

May nawala sa mga Pilipino sa pagkawala ng mga ito.

Naisip ko tuloy ang wika. Hindi pa parang lindol din ang nangyayari sa kultura natin? Magluluksa na lang ba tayo kapag nabura na ang mga salita at akdang mas matanda pa sa mga simbahan sa Bohol? O bibisitahin na natin uli habang may panahon pa? Para sa mga anak natin? (Mga estudyante, para sa mga magiging anak ninyo?)

Para maintindihan din nila ang ibig sabihin ng "Pilipino".

children praying in bohol church

No comments:

Post a Comment