"Bawal ang Wikipedia!" sabi ng guro.
Baka pagtawanan ka pa nga ng seryosong mananaliksik kung Wikipedia lang ang sanggunian mo. At dapat naman. Kung iyon lang.
Ngunit kampi sa ganitong uri ng pangangalap ng impormasyon ang teoryang ipinakita ni James Surowieki sa aklat niyang "The Wisdom of Crowds".
At sa larangan ng panitikan, kung ayawan mo ang gawa ng maraming tao at manalig ka lang sa gawa ng pinangalanang eksperto, parang inayawan mo na rin lahat ng alamat, kuwentong bayan, awiting bayan, epiko, bugtong, salawikain, at iba pang mga akdang bunga ng paglikha ng hene-henerasyon ng mga tao sa tradisyong salindila.
Sa larangan naman ng komersiyo, parang sinabi mong hindi mahalagang malaman kung ano ang madalas bilhin ng mga tao sa isang restoran, o na huwag na lang nating tingnan ang rating ng apps na gusto nating i-download sa mga selepono natin.
Kaya kailangang amining may silbi ang Wikipedia at iba pang tulad nito dahil mapagkukunan ito ng:
1) mas maraming artikulo kaysa anumang ibang iisang sanggunian;
2) isang pangkalahatang balangkas ng paksa;
3) mga kawing sa mga dokumentong pinagbatayan ng artikulo;
4) pamagat o awtor ng iba pang artikulong kunektado sa paksa; at
5) mga larawang magagamit nang libre.
Mag-ingat na lang din dahil posibleng:
1) may mali o kulang pa sa artikulong binabasa mo;
2) isinulat ang artikulo ng mga taong may isinusulong na pananaw (lalo na sa pulitika at mga produkto);
3) umasa ka na lang dito.
Huwag ganoon. Totoong hindi puwedeng Wikipedia lang ang sanggunian mo. Pero bilang tulay patungo sa marami pang ibang sanggunian, medyo mahirap itong talunin.