tungkol sa nagsusulat

Guro ng Filipino. Adik sa pagsasaliksik. Di raw nakakausap kapag naggigitara. Naniniwala sa mahika at grasya dahil sa mga nangyayari sa kaniyang klase at kusina.
Showing posts with label filipino. Show all posts
Showing posts with label filipino. Show all posts

Thursday, May 29, 2025

mula sa SAMPAGUITAS ni Pedro Paterno

Heto ang unang berso ng SAMPAGUITAS na tula ni Pedro Paterno, isang Propagandista.

Mula sa: https://archive.org/details/aqb2149.0001.001.umich.edu/page/4/mode/2up

Kasunod ang salin sa Filipino ni Paolo Ven B. Paculan (2025)


          Á MI MADRE

   Cual navio juguete de las olas 

Destrozado por fuertes tempestades, 

Perdido en las inmensas soledades 

Del rugiente desierto de la mar: 

Solitario, sin guía ni esperanza, 

Sin luz que le conduzca á salvación... 

Así vive afligido, madre mía, 

       Sin ti mi corazón.


          SA AKING INA

   Tulad ng bangkang papel sa gitna ng mga alon

Dinudurog ng matinding galit ng panahon,

Nawawala sa kalungkutang kaylawak

Ng umaatungal na disyerto ng dagat:

Nag-iisa, walang pag-asa o gabay;

Walang tanglaw tungo sa kaligtasan...

Ganiyan ang mapighating buhay, Ina,

      Ng puso ko ngayong wala ka.


Thursday, November 21, 2013

PAMBANSANG AWIT -- bersyon ng estudyante

Noong 2011, nagbigay kami ng diyagnostikong pagsusulit sa 359 na estudyante sa Unang Taon.

Sinakop nito ang 4 na aspekto:
  • talasalitaan o bokabularyo,
  • paglalapi,
  • pagbabaybay o ispeling, at
  • pagsasaulo sa klasikong akda.
Para sa klasikong akda, pinili kong gamitin ang pinakamatinding halimbawa--Ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Ang uri ng pagsusulit--punan ang patlang.

Gaano talaga kasaulado ng mga estudyante
ang araw-araw nilang kinakantang
simbulo ng ating malayang bayan?

Kung pagsama-samahin ang pinakamalulupit na sagot,
heto ang resulta:




Bayang magiliw, perlas ng Sinilangan, alab ng puso, sa dibdib mo’y bughaw. Lupang hinirang, duyan ka ng magitiw. Sa manlulupig, di ka pasisiil. Sa dagat at bundok, sa simula, sa langit mong bughaw, may dila ang tula at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning. Ang buwan at araw niya kailan na may di magdidilim. Lupa ng araw ng walhati’t pagsinta, buhay ay lagi sa piling mo. Aming ligaya nampag may mang-aapi, ang mamatay nang dahil sa’yo!
mula sa Diyagnostikong Pagsusulit ng Kakayahan at Kaalaman sa Talasalitaan, Paglalapi, Pagbabaybay, at Klasikong Akdang Filipino ng mga Estudyante sa Unang Taon ng Mataas na Paaralang Ateneo de Manila Taong-aralang 2011-2012 (PACULAN 2012)
59% ang karaniwang marka (average) ng mga estudyante
sa bahaging ito ng pagsusulit. 41% ang mali nila!

Noong isang taon pa iyon. Ngayon kaya?
Sa ibang paaralan kaya?
Katanggap-tanggap ba kung may kahit 1% lang ng estudyante ang nagkamali?
Katanggap-tanggap ba na may kahit 1 estudyanteng nagkamali
sa kahit 1 salita lang?

Sana naiparinig ko na lang muna ito,
baka mas naintindihan muna nila:

How Lupang Hinirang ought to be sung: Joey Ayala at TEDxDiliman 

Tuesday, November 19, 2013

Language of the Heart, nanalo sa CMMA!

Nakatanggap ng Special Citation mula sa 2013 Catholic Mass Media Awards ang artikulo kong "Language of the Heart". 

Isinulat ko ito para sa Crossroads, isang magasin para sa mga estudyante. Maraming salamat sa kanila na itinuring nilang karapat-dapat na ilaban ang sanaysay ko.

Ingles ang wikang ginamit ko. Pero tungkol pa rin sa Filipino.

Ipinaskil ko uli rito ang burador nito sakaling may gustong magbasa.

Parangal mula sa CMMA. Kuha ni Ser Rene Carvajal.

LANGUAGE OF THE HEART
Paolo Ven B. Paculan

She graduated with a degree in Sociology and Filipino-Tagalog Language Studies with a minor in Philippine Studies. She was a volunteer in Madapdap, Pampanga, where toxic waste victims suffer from conditions such as congenital heart disease, lukemia, and cerebral palsy. She uses Tagalog to help people get access to government services. And she’s from California.

Imagine a cousin of yours, the one who was born in the U.S. Your tito and tita migrated before both of you were born. They’re in California or one of a hundred places outside the Philippines where Filipinos are a thriving community. She’s your Facebook friend but you’ve only met a few times face-to-face. You call her ate. She looks just like you. And she sounds just like you. That’s how I would introduce Ivy Dulay.

I met Ivy at the 3rd International Conference for Filipino as a Global Language held in Manila last August 3-5, 2012. She gave a talk on how Tagalog is the 3rd most commonly spoken language in America besides English, on how Filipino-Americans yearned to connect with their “heritage language”, and on what she and other Filipino-language advocates were doing to fill that need.

She recalled how she once “didn’t care about learning Filipino” since proficiency in English was what schools required and rewarded. But her attitude changed for a very Filipino reason—her family.

“I grew up thinking that I was American, and that my family was American, and we were the same as everyone else,” relates Ivy. “But then I witnessed a family member being denied services because she spoke with an accent.” She also remembers her father and how “I would have been closer to him if I had learned his native language.”

So when she found out that Filipino was being taught in her college, she jumped at the opportunity. And from there her passion grew. She would eventually be the first person to graduate with a degree in Language Studies—Filipino and Tagalog in University of California San Diego (UCSD). She got a Fullbright Scholarship to study Filipino in the Philippines. Through the University of Californias’s Education Abroad Program, she was able to study Panitikang Pilipino and Sociology at UP Diliman.

After college, she did development work in the Philippines. Then she returned to the US and worked at Search to Involve Pilipino Americans (SIPA), an organization based in Historic Filipinotown Los Angeles and provides health services and cultural preservation projects. In 2006, she was one of the first 18 to be given a professional license to teach the Filipino Language.

She has published several major works including Isang Pag-aaral Tungkol sa Epekto ng Bilingwalismo sa Pakikipagtalastasan ng Ilang Pilipino (A Study about the Effect of Bilingualism in the Communication of Filipinos) in a University of Michigan Journal. She has given talks on Filipino Language and Culture in different parts of the U.S. and, more recently, in the Philippines.

During that conference held in Manila, she was with fellow Filipino advocates from Malaysia, Japan, and Hawai’i. “The Filipino language is as global as the Filipino” was one of the messages in that seminar. She was very happy then because: “My greatest joy is being able to get to know another person’s story and experience with the help of knowing how to speak, read, write, and understand Filipino. Before, when people would ask me ‘Marunong ka bang mag-Filipino?’ I would often just shake my head and the conversation would end shortly after. Now, I can say, ‘Opo, marunong po, pero nahihiya pa rin!’ Then, the other person will continue with the conversation in Filipino, and we’ll share beautiful stories and many laughs.”

And she’s keeping at it. She’s presently doing graduate studies on Dual Language Development in Education at Cal State University Long Beach. She says she dreams of starting Filipino language schools and programs in Los Angeles. She already started a pilot class in Filipino Language and Culture at the Los Angeles School of Global Studies.

I asked her what she would say to Filipino students and she replied:

“View the Filipino language as a beautiful asset! There are many Filipinos born in America who wish they had Filipino language classes in schools. Napakahalaga ang pambansang wika natin. It is a beautiful language which will continue to open doors for you and for others. Do not be embarassed by any type of accent – we were all created uniquely and in God’s image.

“Take any opportunity you can to commend each other for speaking Filipino. Often, we see younger generations getting praised for speaking English, but if they hear positive atittudes towards Filipino, then it can help others become more proud of being Filipino. Mabuhay ang wikang Filipino!

Recently, Ivy showed up in my Facebook timeline. She greeted her fiancée a "happy birthday, mahal." A good definition of language of the heart would be—it is the language you use to give names to those you love the most. If so, then I know what Ivy's is.









*  *  * 
Sa Historic Filipinotown, LA, kung saan ginanap ang kasal ni Ivy. Mula sa FB ni Ivy Dulay.

Wednesday, November 13, 2013

WALANG SALITA: Paggamit ng Filipino para ipaliwanag ang bagyo

Walang salita para sa nararamdaman natin
tungkol sa nangyari sa mga kapatid natin sa Tacloban.


Image Credit REUTERS/Erik De Castro. From http://feww.wordpress.com/

Pero mayroon salita para sa nangyari. Ang problema, hindi maintindihan ang mga ito!

Isang araw bago tumama ang bagyo, sinasabi nang:
"Residents in low lying and mountainous areas under signal nos. 3, 2 and 1 are alerted against possible flash floods and landslides. Likewise, those living in coastal areas under signal nos. 3 and 2 are alerted against storm surges, with wave height reaching up to 7 meters." 
http://www.abs-cbnnews.com/nation/regions/11/07/13/storm-signals-raised-42-areas-due-yolanda

Pero bakit hindi naisip ng mga tao ang mangyayari? Bakit hindi sila tumakbo? Bakit kinailangan pa silang mamatay?

Madaling intindihin ang "flash flood". Mabilis na pagbaha.

Madali rin ang "landslide". Lupang dumudulas pababa.

Pero ano ang "storm surge"?

Ang naisip ko: Storm surge. 7 metro. Aba'y napakataas na alon noon!

Pero alam ko na ngayong mali ako. Dahil hindi alon ang naranasan ng Tacloban.
Pinuntahan sila ng dagat!

 
http://www.nhc.noaa.gov/surge/

Sabi ng mga tao hindi pa sila nakakikita/nakararanas ng ganoon.
Kaya hindi naiwasan.

Mali!

May mga taong nakaranas na ng ganoon.
May mga taong nakaaalam kung ano ang mangyayari.
At sinabi nila: magkakaroon ng storm surge.
Na tama naman. Ito talaga ang tawag sa nangyari.
PERO HINDI NAINTINDIHAN NG LIBU-LIBONG TAO
AT ANG KAPALIT--BUHAY NILA!

Sabi ni Ted Failon sa isang ulat,
dahil naroon siya nang mangyari:
"...hindi nila inaasahan lahat.
Kaya nga uulitin ko,
sa ngayon po bilang mamamahayag,
ang definition ko ng storm surge,palagay ko po hindi dapat ini-Ingles ngayon, (akin ang pagdidiin)
dapat kapag binanggit po ng PAGASA,
kapag binanggit po ng ating weather forecast,dapat ang storm surge ay i-identify natin na:
ito po ay hindi lang po alon
ito po ay dagat na magpupunta sa inyo."

(http://www.youtube.com/watch?v=fxfXUjdphK8 10:30-10:55)


Kung gayon, paano ito dapat sabihin?

Ito ang dahilan kung bakit dapat pag-aralang mabuti ang pagpapahayag sa Filipino.
Para kapag balang araw ikaw na ang magsasabi ng alam mo,
maiintindihan ka.
At kikilos sila kung dapat kumilos.

Kung ikaw ang tatanungin paano mo sasabihin?

Para mailigtas natin ang mga mahal natin sa buhay.


http://globalnation.inquirer.net/89943/us-great-britain-cite-filipinos-resilience-in-the-wake-of-typhoon-yolanda/yolanda-typhoon-filipinos1